Tuesday, October 04, 2005

...and finally, closure.

What do you do when the secret you thought you would take with you to the grave is suddenly revealed to that one person you have kept it from for six painful years? You’ll never know what things you’re capable of doing until you find out your answer to this question. When you do, write your song, too.

Sikreto

Naaalala ko pa
Noon ay lagi kang kasama
Di naman sinasadya
Na pagtingin sayo’y mag-iiba

Natataranta, natatakot
Na ako’y mahuli mo.
Hindi handang ipaalam
Ang nilalaman ng puso ko.

*Wala kang kamalay-malay na
Ako’y nalilito,
Sa pagdaan ng mga araw,
Ako’y unti-unting nahuhulog sa iyo.

Ako nga ang lagi mong kasama
Ngunit ang lahat ng kwento mo
ay tungkol sa kanya
Nasasaktan ako ng hindi sinasadya.

At kapag ikaw naman ay wala sa tabi ko,
Inggit ko’y pilit na itinatago
Siya na naman ang kakuwentuhan mo
Siya ang iyong mahal, at hindi ako

*Wala kang kamalay-malay na
Ako’y nalilito,
Sa pagdaan ng mga araw,
Ako’y unti-unting nahuhulog sa iyo.

Maraming taon na ang lumipas,
Alaala ng kahapon ay kumupas
At tayo na’y nagkaganito
Tulad mo, ako rin ay nagbago.

At sa di inaasahang pagkakataon,
Nalaman mo na minahal kita noon.
Alam mo na ngayon
Ang sikretong iningatan ng panahon.

*Wala kang kamalay-malay noon
Na ako ay nalilito,
Sa pagdaan ng mga araw,
Damdamin ko’y nahulog na sa iyo.

O kay tagal-tagal
Ang pagdurusa sa loob
Habang sa labas ay nakangiti
Tama na ang pagkukunwari

Hindi na muling hahayaan
Na puso ko’y iyong saktan
Matagal nang tinalikuran
Ang kalokohang ang pangalan ay ikaw.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home