Wednesday, May 31, 2006
Monday, May 29, 2006
Interesting Personality Test
If this is true, now I know why someone once walked out on me during a conversation and said, "You know what? You're intellectually scary."
Your problem, buddy. I'm not about to start worrying.
http://web.tickle.com/tests/lovetype
Loredith Joy, your love personality type is INTJ
About 2-3% of the U.S. population possesses the combination of traits that make up this personality type.Being an INTJ means that you can be a real intellectual powerhouse. Chances are that your mind is almost constantly engaged by one fantastic thought or another. Because you're the kind who is highly creative, keeping up with you can be like riding an intellectual roller coaster. But your zest for life usually goes beyond your own big ideas and endeavors. You can take real pleasure in helping others to reach their dreams as well. As a result, INTJs like you can be wonderful coaches to help people attain their goals. You seem to know how to bring out the best in people. In relationships, your type is known for deeply valuing your commitments. Not the kind to be an open book, you're often hesitant to share your feelings with others - especially in the early stages of a relationship. You may take a long time to admit the depth of your feelings for someone. It may also take some coaxing to get you to share personal details about your life.
Your problem, buddy. I'm not about to start worrying.
http://web.tickle.com/tests/lovetype
Loredith Joy, your love personality type is INTJ
About 2-3% of the U.S. population possesses the combination of traits that make up this personality type.Being an INTJ means that you can be a real intellectual powerhouse. Chances are that your mind is almost constantly engaged by one fantastic thought or another. Because you're the kind who is highly creative, keeping up with you can be like riding an intellectual roller coaster. But your zest for life usually goes beyond your own big ideas and endeavors. You can take real pleasure in helping others to reach their dreams as well. As a result, INTJs like you can be wonderful coaches to help people attain their goals. You seem to know how to bring out the best in people. In relationships, your type is known for deeply valuing your commitments. Not the kind to be an open book, you're often hesitant to share your feelings with others - especially in the early stages of a relationship. You may take a long time to admit the depth of your feelings for someone. It may also take some coaxing to get you to share personal details about your life.
Saturday, May 27, 2006
KWARTO
A short story I wrote, posted as requested by Jayjay
Kwarto“I can’t believe this room is just five by fifteen feet.”
Hindi mo ako pinansin. Sanay ka na sa mga ka-weirdohan ko. Tinitigan mo lang ako habang inuulit ko ang pagsukat gamit ang mga nakadipang braso. Tinanggal mo ang iyong sapatos at humiga sa maliit na kama.
Umikot ang paningin ko sa maliit na kwarto. Mababa ang kisame. May dalawang bombilya ng ilaw—isang pundido at isang siyang nagbibigay ng dilaw na liwanag sa kwartong iyon. Isang maliit na salamin ang nakasabit malapit sa pintuan, katabi ng switch. May maliit na Monobloc na mesa malapit sa paanan ng pulang kama. Sa ilalim nito ay may dalawang upuan. May dalawang ashtray na gawa sa lata ng Sprite. May nakapatong na dalawang nakatuping tuwalya at isa pang kumot. Dalawang gomang tsinelas—pula at berde—sa paanan ng kama. Walang bintana. Isang aircon sa itaas ng nakasarang maliit na bintana. Mapapansin ang matapang na amoy ng sigarilyo.
Dumukot ako ng chewing gum sa bulsa. Napansin ang drawing na “Jessie—heart—Mercy” sa pader. Naisip ko ang mga taong gumagamit ng mga silid na katabi at katapat ng kwarto natin. Naisip ko ang apat pang palapag ng mga maliliit na silid sa oras na iyon. Kinilabutan ako.
“I can’t believe I’m in a sleazy place like this,” sabi ko, sabay buntung-hininga.
“Kailangan lang po namin ng matutuligan hanggang alas singko,” ang sabi ko sa babaeng nagbabantay sa makitid na lobby. Napatawa ka.
“Wan-eyti, tatlong oras,” ang sabi niya, di man lang ako tiningnan sa mata. Mukhang wala lang talaga siyang pakialam. Sanay na siguro sa mga nakikita niya gabi-gabi. Business as usual, ika nga.
Wala nang lasa ang chewing gum ko. Hindi pa rin nawawala ang matapang na amoy ng sigarilyo. Tila sinasakal ako. Di halos makahinga. Napaubo ako. Napatingin sa lumang tuwalya at kumot sa mesa.
“Di na ata ako matutulog,” sabi ko, nakatingin sa iyo. Himbing na himbing ka na sa pagkakatulog.
Bakit ba ako pumayag na magpalipas ng gabi sa lugar na ito ? Galit na galit na ako sa iyo. Bakit nga ba tayo nakarating dito ?
Kakarating ko lang sa bahay nang tumawag ka.
“Iniwan na niya ako,” bungad mo.
“Pang ilang beses na ba yan,” tanong ko. “Baka naglalambing lang.”
“Tara inom tayo.”
“Wag mo akong idamay diyan sa kalokohan mo. At saka may presentation ako bukas.”
“Sige na, please, kailangan kita.”
Maraming tao sa Meatshop. Pinanood kita habang umiinom ka. Nag-Cali na naman ako. Hinayaan lang kita kahit nakakarami ka na.
“Alam mo, kung babae ka lang, mahal na kita,” ang sabi mo bigla.
“Gago ka ba?”
“Ang ibig kong sabihin, kung katulad ka lang ng mga ibang babaeng kakilala ko, hindi lang tayo ganito.”
“Kung alam ko lang na ganyan kababa ang tingin mo sa mga babae, hindi talaga tayo magiging ganito—kasi hinding hindi ko papansinin ang mga katulad mo.”
“Bakit ba kasi laging mainit ang ulo mo?”
“Bakit ba kasi pinakikialaman mo ang buhay ko?”
“Alam mo, nung una kitang Makita sa office, sabi ko ‘Di ko hahayaang mapunta sa iba ang babaeng to’.”
“Alam mo, nung una kitang makilala sa office, sabi ko ‘hinding-hindi ako maniniwala sa mga sasabihin ng taong to’.”
“Matalino ka. Maganda ka naman. Magaling kang manamit. Masarap kausap.”
“Alam ko.”
Tinawag mo ang waiter. “Isa pang Red Horse, boss”. Maya-maya pa at inilapag na niya ang malamig na bote sa harapan mo. “Naiiba ka talaga sa kanila.” Uminom ka sa boteng hawak-hawak mo. Huminga ng malalim. “Sabi niya mahal niya ako, tapos iniwan niya ako. Ikaw, sabi mo hinding hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko, pero nandiyan ka lagi para damayan ako.”
“Inaantok na ako sa drama mo.”
“Mahal naman talaga kita. Matagal na. Di ko lang sinasabi sa yo.”
“Tara na nga. Saka na mo ako kausapin pag di ka na lasing.”
Hindi mo kayang umuwing mag-isa at lasing sa condo mo. Lalong hindi kita pwedeng iuwi sa bahay ko. “180 only” sabi ng karatola sa harap ng gusali kung saan huminto ang taxing sinasakayan natin. May malaking drawing ng babaeng nakahubad.
“Ito lang po ang alam ko,” sabi ng driver ng taxi.
“Patay ako sa nanay ko pag nalaman niya to.” Nilapitan ko ang babaeng nakabantay sa makitid na lobby.
“Sorry, pakikuha ng wallet sa bulsa ko.” Nakasandal ka na sa pader. Nakapikit.
“Dito na,” sabi ko.
“Promise, paggising ko, babayaran kita bukas.”
“Papatayin kita bukas.”
Kinausap ko ang inaantok na babae. Inabot ang bayad para sa ating kwarto.
“51-C, pip plor,” sabi niya, sabay abot ng susi at sukli. Walang kaemo-emosyon ang boses niya. Pakiramdam ko wala na siyang pinagkaiba sa LRT ticket vending machine.
Akay-akay ka sa isang braso, umakyat tayo sa parang walang katapusan na mga hagdan. Hindi ko alam kung paano tayo nakarating sa ikalimang palapag. Binuksan ko ang pinto habang nakasandal ka sa pader katabi nito, malapit sa fire exit.
“Great. Pag nagkasunog dito, di ko alam pano kita dadalhin pababa.”
Pumasok tayo sa maliit at makitid na kwarto. Binuksan ang ilaw. Napahinga ako nang maluwag. At least walang salamin sa kisame tulad ng sinasabi nila.
Bumangon ka para lakasan ang aircon at muling bumalik sa pagkakahiga. Nag-iwan ng ispasyo sa tabi mo. “Matulog ka na, ” sabi mo.
“Gigisingin kita ng alas singko,”
“Di ka talaga matutulog ? ”
“I have no plans of using their sheets.”
“Please pakipatay ng ilaw,” sabi mo habang binabalot ang sarili sa kumot.
“Gago ka talaga,” sabi ko.
“Huh, may sinabi ka?”
“Wala. Magpapahangin lang ako sa labas.”
Pinatay ko ang ilaw. Halos wala akong makita sa dilim. Lumabas ako at huminga ng malalim. Biglang bumukas ang pinto ng katapat na kwarto. Lumabas ang isang lalaking hindi halos matakpan ng gfamit-gamit na tuwalya ang hubad na katawan. Napapasok ako ulit bigla sa kwarto.
“Hinding-hindi na talaga mauulit to,” sabi ko.
Ilang beses nang sumagi sa isip kong ano kaya kung umuwi nalang ako? Nilapitan kita. Tiningnan ka. Mahimbing ang iyong pagkakatulog. Naaamoy ko pa ang beer na ininom mo. Naghalo ito sa hindi nawawalang amoy ng sigarilyo sa kwarto at sa sarili mong pabango. Hinaplos ko ang iyong buhok. Giniginaw ka na. Hininaan ko ang aircon at inayos ang kumot mo. Kinuha ko ang tuwalya sa mesa at tinakpan ang mga paa mo.
Tumayo ulit ako at sumandal sa malamig na pader ng ating kwarto. Nilapitan kita. Tiningnan ko kung humihinga ka pa. Natawa ako. “Napapraning na yata ako,” sabi ko sa sarili. Inobserbahan ko ang bawat paghinga mo. Inabangan ang paglipas ng dalawang oras bago mag-alas singko. Minsan may sinasabi ka, pero di ko maintindihan. Malamang nananaginip ka. Minsan tinatawag mo ang pangalan ko. “Kailangan kita,” sabi mo kanina nung nag-uusap pa tayo. Nandito pa rin ako.
Nakaramdam ako ng matinding pagod. Iilang oras lang ang tulog ko sa mga nakaraang gabi dahil sa paghahanda para sa presentation ko mamaya. Umupo ako sa Monobloc na silya at umidlip sa maliit na mese. Isang oras pa at tumunog na ang alarm ng cellphone ko.
. “Gising na,” sabi ko. “Alas singko na.”
Bumangon ka pero nanatiling nakaupo sa kama. Wala nang natitirang bahid ng pagkalasing sa iyo. Tiningnan mo ako at ngumiti kang para bang inaasar ako.
“O, ba’t ka nakatingin ng ganyan sakin?”
Napatawa kang bigla.
“Buti na lang, walang mirrors sa ceiling. Kung hindi, nag-freak out ka na,” sabi mo, sbay tawa nang malakas. Sinuntok kita sa braso.
“Biro lang. Pikon ka talaga. Good morning,” ang sabi mo.
Natahimik tayo pareho.
“Uh, siya nga pala, may sinabi ba ako kagabi?”
“Wala. Bilisan mo na nga uuwi pa tayo, may trabaho pa mamayang nine, baka nakakalimutan mo.”
“May presentation ka nga pala. Makakapag-present ka pa ba niyan? Wala ka pang tulog ah.”
“Salamat ha, naalala mo. Sana kagabi naisip mo yan bago ka nagpakalasing at nandamay ng ibang tao.”
Binuksan mo ang iyong wallet. Naglabas ka ng pera at inabot mo sa akin. “Thanks ha. Ito pala, for the cab and the room.” Wala man lang limang Segundo nang idugtong mo, “Shet, sana magkita kami mamaya. Magso-sorry na talaga ako.”
LJV 1.21.2006